Hindi ko kasi siya finofollow kaya ngayon ko lang nabasa 'to.
Totoo, kailangang maghanapbuhay para magkabahay. Magbayad ng buwis at tumulong sa gobyerno.
But to be able to find a job that will eventually enable a person to buy a house, s/he needs education.
Ang edukasyon, trabaho, pabahay ay responsibilidad ng gobyerno. Sa kasalukuyan, pinaghihirapan natin itong solusyunan.
Hindi lahat ng squatter ay sindikato. At hindi totoong binebeybi sila ng gobyerno. Ang baby ay nabubuhay ng kumportable. Walang taong magiging kumportable kung nakasilong siya sa ilalim ng tulay habang umuulan at kumakalam ang sikmura.
Masalimuot ang isyung ito. At iresponsable ang komento ni Bianca Gonzalez.
Her tweet is not only hasty, it is full of apathy and ignorance. Maaring nakikita nga nya ang paghihirap ng ating mga kababayan dahil sa hanapbuhay na mayroon siya, pero kahit kailan hindi nya ito naranasan.
So my hasty response to her is:
Kauululan ang mga salitang binitiwan mo.
No comments:
Post a Comment