Ang kulay na pula ay kulay ng sukdulan. Isang dahilan ay sapagkat ang kulay na pula ay maaring iugnay sa dalawang konseptong sukdulan ang pagkakaiba.
Ang kulay na pula ay maaaring gamitin upang ilarawan ang isang taong may matinding emosyon. Ang isang tao, lalo na kung ang balat ay mapusyaw, ay maaring mamula dahil sa galit. Gayundin naman, mayroong namumula dahil sa kahihiyaan.
Ang kulay na pula ay ginagamit ng mga bansa upang isimbolo ang isang bayolenteng digmaan. Gayundin naman, ginagamit ang pula para ilarawan ang pag-ibig na nag-aalab.
Ang kulay na pula, lalo na sa mga taga Tsina ay kulay ng swerte at dalisay na kaligayahan. Gayundin naman, pula ang kulay nag senswalidad at libog ng katawan.
Ang kulay na pula ay kulay ng dugo. Ang dugo ay buhay. Ang dugo ay kamatayan. Ang pula ay kulay ng buhay at kamatayan.
Kanina lamang ako ay namula sa dahilang hindi ko na babanggitin pa.
No comments:
Post a Comment