May mga nagsasabing mali at hindi nakakatulong ang mga taong nagpapahayag ng pagkadismaya sa mabagal na pagpaparating ng tulong sa mga lugar na nasalanta ng delubyo. Pinagdududahan pa nila kung may nagawa na ba ang mga taong iyon bukod sa pagiging kritiko. Nagkakalat lang daw sila ng negatibong bagay sa social media.
Ang akin lang: Why demonize and villify those who express their frustrations over the inefficiency of the government in carrying out the relief and rescue operations?
Mali ba na sabihin natin sa gobyerno sa pamamagitan ng social media na "Bilisan nyo ang pagpapahatid ng tulong at huwag ng magpatumpik-tumpik pa!"
Sa mga nagsasabing walang kabuluhan ang mga ganyang pagpapahayag sa social media ay kailangan magbalik tanaw na ang ilang mga pandaigdigang kaganapan na naging bahagi na ng kasaysayan ay nagsimula lamang sa isang status sa facebook o sa twitter.
Anim na araw na po ang nakalipas. Hindi na bagyo ang papatay sa mga nasalanta. Pipinsalain sila ng bawat minutong walang tulong na nakakaabot sa kanila.
I see nothing wrong in pressuring the government to deliver the needed help timely and efficiently.
Katulad ninyo, tumulong na kami at tutulong pa kami sa paraang kaya namin. Pero kailangang makarating nang mabilis at kumpleto ang mga tulong na ipinapadala natin.
No comments:
Post a Comment