Tuesday, November 12, 2013

Konsensya at Social Media: Tungkol sa Paggamit ng Social Media sa Panahon ng Sakuna.

Ang daming nangangaral tungkol sa tamang paggamit ng social media sa panahon na 'to.

Pag nagpost ka ng tungkol sa sarili mo (lugar na pinuntahan mo, pagkain kinain mo, pagtitipon na dinaluhan mo), insensitive ka. Sasabihan kang hindi ka raw nakakatulong sa mga napinsala. 

Pag nagpost ka naman na tumulong ka na nga (donasyong pera, volunteer, impormasyon), nagpapakitang tao ka raw.

Kahit ano pa ang naging paghuhusga sa'yo, ikaw lang ang nakakaalam ng laman ng puso mo. Kung ang naging intensyon mo sa pagpopost ay hindi naging sensitibo sa sitwasyon natin ngayon, hindi pa huli ang lahat. May delete na tinatawag. Kung malinis ang konsensya mo, wala kang ikababahala.

The online community is a REAL COMMUNITY.  Hence, the norms that we observe in our physical community must also be upheld here. 

Dahil tayo lang ang nakakaalam ng intensyon natin sa pagpopost, ito ang apela ko: Huwag na muna tayong magtawag ng atensyon sa sarili. Huwag magyabang. Huwag manghusga. Pairalin ang konsensya. 

No comments:

Post a Comment